Sinasaklaw ng kursong ito ang pag-aaral sa mga layunin, teorya, simulain, mga batas, kalakaran ng pagtuturo at pagkatuto ng wikang Filipino batay sa kahingian ng kurikulum ng batayang edukasyon sa elementary, sekondarya, at kolehiyo.
Layunin din ng pag-aaral na ihanda ang mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino na maging mulat at maalam sa mga bagong kalakaran sa pagtuturo at pagkatuto ng Filipino. Isinama rin sa kurso ang pagtalakay sa mga kahalagahan ng kagamitang panturo na maaaring magamit nila at maiangkop ang mga ito sa tiyak na paksa.
Tangan ng kursong ito ang mga sumusunod,
KAALAMAN
• Nagagamit nang mahusay ang wikang Filipino sa pagtalakay ng kahulugan at katangian ng kurikulum.
• Natatalakay nang matalino sa malikhaing paraan ang katayuan ng asignaturang Filipino sa mga nabuong kurikulum sa edukasyon ng Pilipinas.
• Natatalakay nang mahusay ang mga pamantayan, patakaran, kalakaran at mga prosesong pinag-ugatan ng kurikulum.
KASANAYAN
• Nagagamit nang mahusay ang wikang Filipino sa pagtalakay ng mga ugat at kasaysayan ng kurikulum.
•Naiaangkop ang mga estratehiya sa pagtuturo ng nobela.
• Nakakabuo ng mga kagamitang pampagtuturo na angkop na tumutugon sa iba't ibang kakayahan at kasanayan ng mga mag-aaral
•Nakagagamit ng makabago at angkop na teknolohiya para sa pagtuturo ng nobela.