Bachelor of Science in Secondary Education
Second Year

Ang kursong Introduksiyon sa Pagsasalin ay naglalayong ipakilala sa mga mag-aaral ang batayang konsepto, kasaysayan, uri, teorya, at praktikal na aplikasyon ng pagsasalin. Saklaw nito ang pagsasaling pampanitikan, teknikal, midya, at kultural, kabilang ang kontemporaryong isyu gaya ng AI at machine translation. Ang kurso ay nakabatay sa Outcome-Based Education (OBE) kung saan malinaw na itinatakda ang inaasahang kaalaman, kasanayan, at pagpapahalagang lilinangin sa mga mag-aaral.
 Awtput: Isang integratibong portfolio (pampanitikan, teknikal, midya), rubrics-based critique, at final performance task na nagpapakita ng aplikasyon ng mga natutuhan sa buong semestre.