BSAM 1-8 MALAGA_FPK 2ND SEM 2425
Second Year

Pamagat ng Kurso : Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran

Kowd ng Kurso : GEED 10113

Bílang ng Yunit : 3 yunit

Deskripsiyon ng Kurso : Tinutugunan ng kurso ang pangangailangan ng isang lapat na kamalayang gagabay sa pagkakaroon ng pagpapahalaga sa pambansang kaunlaran gayundin ang pagsusuri sa ibat ibang salik na nakaka-apekto sa pag-unlad nito.

Tatalakayin ang Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran bilang isang kaisipan/prinsipyo at tunguhin na nakalapat sa talino at karunungang Filipino. Pahahalagahan ang Filipino bilang wika ng pagkatuto na pundasyon sa paglikha sa kamalayang makabansa tungo sa hangaring pahalagahan at pauunlarin ang mga industriya ng bansa. Lilinangin ang mga kasanayan sa pag-unawa, pagsusuri at pagsasapraktika ng mga kaisipan sa Filipinolohiya sa pamamagitan ng dokumentasyon at pananaliksik na nakatuon sa tiyak ng larang/disiplina.

Bílang ng oras: 3 oras bawat linggo sa loob ng 18 linggo o 54 oras sa isang semestre