BSMA 1-5 MALAGA_FPK 2ND SEM 2425
Main Campus/Colleges

Pamagat ng Kurso : Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran

Kowd ng Kurso : GEED 10113

Bílang ng Yunit : 3 yunit

Deskripsiyon ng Kurso : Tinutugunan ng kurso ang pangangailangan ng isang lapat na kamalayang gagabay sa pagkakaroon ng pagpapahalaga sa pambansang kaunlaran gayundin ang pagsusuri sa ibat ibang salik na nakaka-apekto sa pag-unlad nito.

Tatalakayin ang Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran bilang isang kaisipan/prinsipyo at tunguhin na nakalapat sa talino at karunungang Filipino. Pahahalagahan ang Filipino bilang wika ng pagkatuto na pundasyon sa paglikha sa kamalayang makabansa tungo sa hangaring pahalagahan at pauunlarin ang mga industriya ng bansa. Lilinangin ang mga kasanayan sa pag-unawa, pagsusuri at pagsasapraktika ng mga kaisipan sa Filipinolohiya sa pamamagitan ng dokumentasyon at pananaliksik na nakatuon sa tiyak ng larang/disiplina.

Bílang ng oras: 3 oras bawat linggo sa loob ng 18 linggo o 54 oras sa isang semestre

 

BSEDSC 1-1 PANITIKAN_MALAGA 2ND SEM2425
Main Campus/Colleges

Pamagat ng Kurso : Panitikang Filipino

Kowd ng Kurso : GEED 10113/GE033

Bílang ng Yunit : 3 yunit

Prerekwisit : Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran

Deskripsiyon ng Kurso :Ang Pagsasalin sa Kontekstong Filipino ay kursong Filipino sa kolehiyo na tatalakay sa halaga at tunguhin ng pagsasalin at ng Wikang Filipino na nakasalig sa mga wikang katutubo. Pauunlarin ang kasanayan at kaalaman sa pagsasalin ng mga mag-aaral na ginagabayan ng pananaliksik (saliksik-salin). Susuriin at isasalin ang mga tekstong pampanitikan at teknikal mula sa mga tiyak na disiplina/materyal ng ibang ibang bayan at mga rehiyunal na materyal patungong kamalayang bayan (multibersa) na tumutugon sa kalagayan at pangangailangan ng Industriya ng bansa. Matasa at matipon ang mga korpus na gawa na at gagawin pa mula sa tiyak na larang at/sa pamamagitan ng dokumentasyon at pakikisangkot/halubilo tungo sa pagbubuo ng mga materyal na nakasalig sa karanasan, kaalaman at ng karunungan ng sambayan tungo sa intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino.

Bílang ng oras: 3 oras bawat linggo sa loob ng 18 linggo o 54 oras sa isang semestre

FILI 206_Araling Kultural sa Pilipinas_2S_AY2425_ABF 2-1
Main Campus/Colleges

Ang kursong ito ay isang masusing pagsusuri sa mga anyo, dinamika, at pagpapakahulugan ng kulturang Pilipino sa iba't ibang panahon. Saklaw nito ang mga pangunahing teorya sa araling kultural, pagsusuri sa sining, wika, panitikan, pelikula, at midya bilang tagapagbuo ng identidad at kamalayang pambansa. Tatalakayin din ang ugnayan ng kultura sa kolonyalismo, globalisasyon, at mga kontemporaryong usaping panlipunan.

The Teacher and the Community, School Culture and Organizational Leadership with Focus on the Philippine TVET System
Main Campus/Colleges

This course explores the dynamic relationship between teachers, communities, and educational institutions within the context of the Philippine Technical and Vocational Education and Training (TVET) system. It emphasizes the crucial role of educators in fostering a positive school culture and effective organizational leadership, with a particular focus on the TVET sector. 

Aligned with the University’s vision of becoming “the leading comprehensive polytechnic university in Asia”, this course prepares future educators and leaders to drive innovation in TVET by fostering a culture of excellence, inclusivity, and global competitivenessThrough a focus on competency – based learning, students will develop the skills necessary to lead transformative initiatives that address industry demands while contributing to sustainable development goals, particularly SDG 4:  Quality Education 

GEED 035_Panitikang Filipino_2s_SY2425_BSEcon 2-1
Main Campus/Colleges

GABAY SA KURSO 

Inaasahang kalalabasan: 

  1. Makapagtamo ng kaalaman sa mga umiiral na panitikan sa Pilipinas ayon sa historikal na pag-unlad nito; 
  2. Nakapagtatalakay ng mga akdang Pampanitikan na sumasalamin sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay, kultura, lipunan, pamahalaan at kasaysayan ng sambayanang Pilipino. 
  3. Nakapagpapahayag ng may kabisaan ukol sa pasalita at pasulat na tradisyon ng panitikang Pilipino. 
  4. Nagiging kasangkapan sa pagpapalaganap ng pambansang wika; 
  5. Nakapag-uugnay ng mga kasanayan mula sa iba’t ibang larang at disiplina tungo sa pagsusuri at pag-unawa sa iba’t ibang akdang pampanitikan. 
  6. Nakapagsusuri at analisa ng mga akdang pampanitikang likha ng mga manunulat na Pilipino mula sa iba’t ibang wika – Filipino, Banyaga at Bernakular tungo sa kaisipang Filipinolohiya. 
  7. Nakababasa at nakauunawa ng mga kontemporaryong akdang pampanitikan tangan ang Malaya at progresibong kaisipan. 
  8. Kritikal na nakapagsusuri ng mga akdang pampanitikan gamit ang lente ng maka-Pilipinong pananaw. 
  9. Nakabubuo ng papel/artikulo hinggil sa panunuri ng mga akdang pampanitikan. 
  10. Responsableng nakagagamit ng iba’t ibang platform para sa pagtatanyag sa iba’t ibang panitikang Pilipino. 
  11. Naisasabuhay ang mga aral sa akda para sa mabuting paglilingkod. 
  12. Nagsisilbing kasangkapan sa pagpapalaganap ng Panitikang Filipino sa lokal at globa na aspeto. 
GEED 20093
Main Campus/Colleges
From CHED M.O. No. 20 of 2013
Reading Visual Art. Visual art including film as text, techniques of reading and analysis.
 
Ang kurso bilang elective ay hinggil sa sining biswal (paintings, sculptures,
performance art, film at mga contemporary visual artworks); ito ay pag-aaral sa kung
paano basahin at analisahin, gamit ang teorya ng Semiotika bilang pag-aaral sa pag-
unawa ng sining biswal. Babaybayin din ang maikling kasaysyan ng sining mula sa
kontekto ng Pilipinas at mga impluwensyang dayunan. Sa dulo, magkakaroon ng
produksyong pansining at/o proyektong isusulat hinggil sa kurso.