FILIPINOLOHIYA AT PAMBANSANG KAUNLARAN
COLLEGE OF ACCOUNTANCY AND FINANCE

Tinutugunan ng kurso ang pangangailangan ng isang lapat na kamalayang gagabay sa pagkakaroon ng pagpapahalaga sa pambansang kaunlaran gayundin ang pagsusuri sa iba’t ibang salik na nakaka-apekto sa  pag-unlad nito.

Tatalakayin ang Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran bilang isang kaisipan/prinsipyo  at tunguhin na nakalapat sa talino at karunungang Filipino. Pahahalagahan ang Filipino bilang wika ng pagkatuto na pundasyon sa paglikha   sa kamalayang makabansa tungo sa hangaring pahalagahan at pauunlarin ang mga industriya ng bansa. Lilinangin ang mga kasanayan sa pag-unawa, pagsusuri at pagsasapraktika ng mga kaisipan sa Filipinolohiya sa pamamagitan ng dokumentasyon at pananaliksik na nakatuon sa tiyak ng larang/disiplina  

Nahahati ang kurso sa tatlong bahagi: Una ang pag-unawa sa Filipinolohiya bilang isang kaisipan na nagpapabatid sa kahalagahan ng isang industriyang makabansa. Pangalawa ay ang pagsusuri ng kalagayan ng halagahan ng wika, kultura at lipunan batay sa kaisipang Filipinolohiya na may kasamang sa pagsipat sa kalagayan at tagumpay ng ibang bansa sa ugnayang ng programang pangwika at pang-industriya. At pangatlo ay ang tuluyang paglalapat at pagsasapraktika ng mga kaisipan sa pamamagitan ng aktuwal na interaksiyon o emersyon sa mga tiyak na  industriya ng/sa bansa  bilang  bahagi na proseso ng dokumentasyon at pananaliksik na mapag-uugnay ang gampanin ng  ng mga batayang kaalamang nakabatay sa danas. Sa dulo ng kurso ay makabubuo ang mga mag-aaral ng isang panimulang papel/pananaliksik na naglalaman ng Filipinolohiya sa industriya ng/sa bansa. (a) dokumentasyon ng danas sa emersyong isinagawa, (b)pagsusuring kinakikitaan ng paglalapat ng kaisipang Filipinolohiya at (c) pagpapahalagang kaisipan na makakatulong sa isang industriyang makabansa.