BSA 1-8: GEED 035 Panitikang Filipino
BSA 1-8

Ang Panitikang Filipino bilang isang kursong Filipino sa Kolehiyo ay nakatuon sa pag-aaral ng mga akdang Pampanitikang sumasalamin sa pamumuhay, kultura, lipunan, pamahalaan at maging ng kasaysayan ng sambayanan/liping Pilipino.

Gamit ang Wikang Filipino bilang wika ng pagkatuto; nakatuon ang kurso sa pag-aaral ng pasalita at pasulat na tradisyon ng ating panitikan. Babagtasin nito ang mga yugto ng panitikan sa iba’t ibang panahon na may espesyal na tuon sa pag-aaral ng mga akdang pampanitikang nakalapat at nakaugnay sa mga kasanayan ng iba’t ibang larang at disiplina.