Test course only.... test course only
Ang Mga Teorya sa Pag-aaral ng Wika ay isang kursong may tatlong yunit na nakatuon
sa pagkilatis sa iba‘t ibang teorya hinggil sa pag-aaral ng wika mula sa lente ng mga iskolar.
Pangunahing nakatuon ang kurso sa mga batayang teorya sa pag-aaral na wika na esensyal sa
pagsusuri at pag-unawa sa katangian at mga kotexto ng wika sa lipunan. Mula sa perspektiba
ng lingguwistika partikular sa mga pagsusuri ni Ferdinand De Saussure sa librong Course in
General Linguistics, hanggang sa politikal na pagsusuri nina Pierre Bourdieu, Voloshinov,
Chomsky, hanggang sa mga pag-aaral ng mga Pilipinong iskolar tulad nina Lumbera, Almario,
Paz, at Salazar, kikilatisin ang mga batayang konsepto at teorya sa pag-aaral ng wika.
Tinatangka sa kursong ito na hindi lamang maging pamilyar ang mga mag-aaral sa batayang
teorya, kundi higit ay mailapat ito sa pagsusuri sa mga penomenong pangwika sa bansa.