Tinutugunan ng kurso ang pangangailangan ng isang lapat na kamalayang gagabay sa pagkakaroon ng pagpapahalaga sa pambansang kaunlaran gayundin ang pagsusuri sa iba’t ibang salik na nakaka-apekto sa pag-unlad nito.
Tatalakayin ang Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran bilang isang kaisipan/prinsipyo at tunguhin na nakalapat sa talino at karunungang Filipino. Pahahalagahan ang Filipino bilang wika ng pagkatuto na pundasyon sa paglikha sa kamalayang makabansa tungo sa hangaring pahalagahan at pauunlarin ang mga industriya ng bansa. Lilinangin ang mga kasanayan sa pag-unawa, pagsusuri at pagsasapraktika ng mga kaisipan sa Filipinolohiya sa pamamagitan ng sistematikong dokumentasyon at pananaliksik na nakatuon sa tiyak ng larang/disiplina
Nahahati ang kurso sa tatlong bahagi: Una ay ang pag-unawa sa mga mahahalagang diskursong nakatuon sa kamalayang maka-Filipino at makabayan, tungo sa mahalagang ugnay nito sa pagpapaunlad ng kabuuang kalagayan ng bansa. Pangalawa ay ang pagsusuri ng kalagayan ng halagahan ng wika, kultura at lipunan batay sa kaisipang Filipinolohiya na may kasamang sa pagsipat sa kalagayan at tagumpay ng ibang bansa sa ugnayang ng programang pangwika at pang-industriya. At pangatlo ay ang tuluyang paglalapat at pagsasapraktika ng mga kaisipan sa pamamagitan ng aktuwal na interaksiyon o emersyon sa mga tiyak na industriya ng/sa bansa bilang bahagi na proseso ng dokumentasyon at pananaliksik na mapag-uugnay ang gampanin ng ng mga batayang kaalamang nakabatay sa danas. Sa dulo ng kurso ay makabubuo ang mga mag-aaral ng isang panimulang papel/pananaliksik na naglalaman ng Filipinolohiya sa industriya ng/sa bansa. (a) dokumentasyon ng danas sa emersyong isinagawa, (b)pagsusuring kinakikitaan ng paglalapat ng kaisipang Filipinolohiya at (c) pagpapahalagang kaisipan na makakatulong sa isang industriyang makabansa.
MAYLUCK MALAGA
Course creator
EARL JEMUEL ALBANO
Student
VIC JULSEN BANTUGAN
Student
AL-RICH BARCELLANO
Student
ANGELO MIGUEL BARLES
Student
MARC PAOLO CANCINO
Student
REZEKIEL DAVID CORDOVA
Student
CKEARVIN JAMES DE LEON
Student
KEIRA JUSTINE DIMACULANGAN
Student
DUSTIN ANDREW EDUVALA
Student
MHARGUELLA ANDREA ENRIQUEZ
Student
EVANI YVES FAJARDO
Student
JHON KENNETH FLORES
Student
LIZZIE ANN FUENTES
Student
RICH IVAN GOLLOSO
Student
ARIELLE BERNADETTE GRAMA
Student
YUMI HARUYAMA
Student
CHRYSLER JOSH LAVARES
Student
VHENICE ALYZA LEGASPI
Student
SABRHIA ANICA MORAN
Student
HAZEL ANNE OCMER
Student
SHAN OLANGA
Student
MHARC BRIAN OLANGO
Student
RAVEN OLVEDA
Student
ALDRIN JAY ORTIOLA
Student
GLYDELLE SAEZ
Student
BRYDON YVES SANTOS
Student
KHYLE GIAN TEOTICO
Student
JAN HEZELLE TRINOS
Student
CLOUD WAYNE VILLAR
Student