GEED 035_Panitikang Filipino_2s_SY2425_BSE 2-3
Second Year

GABAY SA KURSO 

Inaasahang kalalabasan: 

  1. Makapagtamo ng kaalaman sa mga umiiral na panitikan sa Pilipinas ayon sa historikal na pag-unlad nito; 
  2. Nakapagtatalakay ng mga akdang Pampanitikan na sumasalamin sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay, kultura, lipunan, pamahalaan at kasaysayan ng sambayanang Pilipino. 
  3. Nakapagpapahayag ng may kabisaan ukol sa pasalita at pasulat na tradisyon ng panitikang Pilipino. 
  4. Nagiging kasangkapan sa pagpapalaganap ng pambansang wika; 
  5. Nakapag-uugnay ng mga kasanayan mula sa iba’t ibang larang at disiplina tungo sa pagsusuri at pag-unawa sa iba’t ibang akdang pampanitikan. 
  6. Nakapagsusuri at analisa ng mga akdang pampanitikang likha ng mga manunulat na Pilipino mula sa iba’t ibang wika – Filipino, Banyaga at Bernakular tungo sa kaisipang Filipinolohiya. 
  7. Nakababasa at nakauunawa ng mga kontemporaryong akdang pampanitikan tangan ang Malaya at progresibong kaisipan. 
  8. Kritikal na nakapagsusuri ng mga akdang pampanitikan gamit ang lente ng maka-Pilipinong pananaw. 
  9. Nakabubuo ng papel/artikulo hinggil sa panunuri ng mga akdang pampanitikan. 
  10. Responsableng nakagagamit ng iba’t ibang platform para sa pagtatanyag sa iba’t ibang panitikang Pilipino. 
  11. Naisasabuhay ang mga aral sa akda para sa mabuting paglilingkod. 
  12. Nagsisilbing kasangkapan sa pagpapalaganap ng Panitikang Filipino sa lokal at globa na aspeto.