GEED 032 Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran
3 yunit
Deskripsiyon ng Kurso
Tinutugunan ng kurso ang pangangailangan ng isang lapat na kamalayang gagabay sa pagkakaroon ng pagpapahalaga sa pambansang kaunlaran gayundin ang pagsusuri sa iba’t ibang salik na nakakaapekto sa pag-unlad nito.
Tatalakayin ang Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran bilang isang kaisipan/prinsipyo at tunguhin na nakalapat sa talino at karunungang Filipino. Pahahalagahan ang Filipino bilang wika ng pagkatuto na pundasyon sa paglikha sa kamalayang makabansa tungo sa hangaring pahalagahan at pauunlarin ang mga industriya ng bansa. Lilinangin ang mga kasanayan sa pag-unawa, pagsusuri at pagsasapraktika ng mga kaisipan sa Filipinolohiya sa pamamagitan ng dokumentasyon at pananaliksik na nakatuon sa tiyak ng larang/disiplina .
Nahahati ang kurso sa tatlong bahagi:
Una ang pag-unawa sa Filipinolohiya bilang isang kaisipan na nagpapabatid sa kahalagahan ng isang industriyang makabansa.
Pangalawa ay ang pagsusuri ng kalagayan ng halagahan ng wika, kultura at lipunan batay sa kaisipang Filipinolohiya na may kasamang sa pagsipat sa kalagayan at tagumpay ng ibang bansa sa ugnayang ng programang pangwika at pang-industriya.
At pangatlo ay ang tuluyang paglalapat at pagsasapraktika ng mga kaisipan sa pamamagitan ng aktuwal na interaksiyon o emersyon sa mga tiyak na industriya ng/sa bansa bilang bahagi na proseso ng dokumentasyon at pananaliksik na mapag-uugnay ang gampanin ng ng mga batayang kaalamang nakabatay sa danas.
Sa dulo ng kurso ay makabubuo ang mga mag-aaral ng isang panimulang papel/pananaliksik na naglalaman ng Filipinolohiya sa industriya ng/sa bansa. (a)dokumentasyon ng danas sa emersyong isinagawa,
(b)pagsusuring kinakikitaan ng paglalapat ng kaisipang Filipinolohiya at
(c) pagpapahalagang kaisipan na makakatulong sa isang industriyang makabansa.
Bunga ng Pagkatutong Pangkurso
Maipaliwanag nang may husay ang kahulugan at kalikasan ng Filipinolohiya na nakaugnay sa Wikang Filipino at nasyunalismo, siyensya at (mamamayan)
Makapaglahad ng kalagayan at halaga ng Filipinolohiya sa pamamagitan ng paglalatag ng sitwasyong pangkultura, pangwika at panlipunan sa bansa at ibang bansa.
Matukoy ang kronolohikal na kasaysayan ng Industriya sa/ng Bansa.
Makapag-analisa ng kalagayan ng Pambansang Industriya sa Pilipinas at sa ibang Bansa
Makapagtamo ng kaalaman at kasanayan sa Industriyal na Pananaliksik (critical research paper) pananaliksik Kritika sa industriya/larang (critical paper on industry).
Makapagpamalas ng awtentikong kaalaman batay sa Interaksiyon / Partisipasyon / Imersyon / Dokumentasyon sa aktuwal na industriya o/at larang.
Makapagbuo ng artikulong Pananaliksik batay sa dokumentasyon ng industriya o/at larang