ABS2-1ILOK102
BAS 2-1

Nakatuon ang asignaturang Wikang Rehiyonal 1 sa panimulang pag-aaral ng Wika, partikular sa naitakdang wika sa kursong ito na “Wikang Ilocano”. Sinikap mabigyan ng panimulang pag-aaral sa Wikang Ilocano na tumatalakay sa ponolohiya, morpolohiya at sintaksis.

Nakatuon ang kursong ito sa panimulang pag-aaral ng isa sa mga rehiyonal na wika sa Pilipinas, partikular ng Wikang Ilocano na pangatlo sa pinakamalaking wikang sinasalita sa Pilipinas na nasa rehiyon 1, 2, CAR at ilang bahagi ng rehiyon 3. Bibigyang talakay ang panimulang pagtalakay sa kahulugan ng wikang rehiyonal, kasaysayan ng wikang Filipino na nagtutuloy na may kaugnayan sa mga wika sa Pilipinas, kasaysayan ng Wikang Ilocano, Ortograpiya, at iba’t ibang bahagi ng pananalita, at sintaksis na maghahatid sa mag-aaral na matutong makinig, magbasa, magsalita at magsulat sa wikang ito.