Pagsasalin sa Kontekstong Filipino
BAPE 1-3
Pagsasalin sa Kontekstong Filipino ay naglalayong paunlarin ang kasanayan sa pagsasalin na ginagabayan ng pananaliksik (saliksik-salin) na nakalapat sa konseptong Filipinolohiya, sa pag-unawa sa kahulugan, teorya at kahalagahan ng pagsasapraktika ng pagsasalin tungo sa Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino. Ang pagsasalin bilang disiplinang nagbabanig sa kaisipan at kamalayang bayan ay naglalatag sa kapangyarihan at kahalagahan ng Pambansang wika at mga katutubong wika tungo sa paglikha ng mga teorya salig sa konseptong Filipinolohiya sa pagsasakonteksto ng mga batayang pangangailagang kaalaman sa pag-unawa sa kalagayan ng lipunan sa pagkakamit ng pambansang kaunlaran.