PLANONG ARALIN / GABAY SA KURSO (COURSE GUIDE)
FILI 401 Seminar sa Paghahanda sa Praktikum
3 yunit
Deskripsiyon ng Kurso
Ang kursong ito ay naglalayong ihanda ang mga mag-aaral ng AB Filipinolohiya sa kanilang pagsabak sa praktikum. Tatalakayin dito ang mga pangunahing kasanayan sa korespondensiya, etika sa lugar ng gawain, pagbuo ng mga dokumentong propesyonal, at paglinang ng kasanayan sa komunikasyon. Bahagi ng kurso ang simulation ng aktibidad-proyekto upang masubok ang kanilang kahandaan sa propesyonal na larangan.
Tinutugunan ng kursong ito na ihanda ang mga mag-aaral sa pagpasok sa mga aktwal na pagsasanay sa labas ng akademya. Layunin nitong gawing handa, may kumpiyansa, at maalam ang mga mag-aaral sa mga inaasahang gawain at responsibilidad bilang mga intern sa iba't ibang institusyon at industriya. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng kombinasyon ng mga talakayan, workshop, case studies, role-playing, at iba pang interaktibong gawain.
Sa pamamagitan ng kursong ito, tatalakayin ang mga konseptong makakatulong sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa paghahanda ng mga propesyonal na dokumento gaya ng paglikha ng mabisa at propesyonal na resume o curriculum vitae (CV), paggawa ng nakahandang liham aplikasyon, at pagsagot sa mga karaniwang tanong sa panayam.
Gayundin, tinutugunan nito ang mga etika at pag-uugaling propesyonal na nagpapakilala sa wastong asal sa trabaho, pag-unawa sa hirarkiya sa organisasyon, at pagresolba sa mga isyung maaaring lumitaw sa lugar ng trabaho habang pinapanatili ang integridad at pagiging etikal.
Kabilang rin dito ang pagsasagawa ng dokumentasyon at ulat upang mapaunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagdodokumento ng kanilang mga gawain sa praktikum kabilang ang pagsulat ng daily log, case report, observation notes, reflective journal, at pinal na ulat.
Mga Bungang Pagkatuto
1. Nakapaglalahad ng malinaw, organisado, at mapanuring pagninilay gamit ang angkop na teorya o lapit na pangmetodolohiya hinggil sa kanilang paglalakbay sa AB Filipinolohiya bilang paghahanda sa praktikum
2. Makabuo ng masinop, pormal, at epektibong dokumentong propesyonal (CV, cover letter, memo, ulat, liham) gamit ang Filipino alinsunod sa pamantayan ng masinop na pagsulat at pormal na korespondensiya.
3. Nakapagsasagawa ng mahusay na pasalita at pasulat na komunikasyon sa konteksto ng pag-aaplay, panayam, korespondensiya, at pag-uulat sa lugar ng praktikum.
4. Makapagpakita ng propesyonalismo, kahusayan, wastong asal, at kolaborasyon sa mga gawaing pampaaralan, kabilang ang malikhaing presentasyon o diskurso, bilang paghahanda sa aktuwal na praktikum.
5. Makapagpakita ng etikal na pagpapasya at pag-uugali na may paggalang sa data privacy, confidentiality, workplace values, at gender sensitivity.
6. Makapagsagawa ng masinop, makabuluhan, at etikal na case study sa isang gradweyt ng AB Filipinolohiya gamit ang angkop na metodo, panayam, at dokumentasyon, at makapagbuo ng malikhaing presentasyon ng resulta.
7. Makabuo ng komprehensibo, organisado, malikhaing, at propesyonal na portfolio na nagpapakita ng kahandaan para sa praktikum.
JENILYN ALMANZA
Course creator
LEONA ABEJUELA
Student
JOHN GENESIS ALAUIGAN
Student
JARSHI RAME ALBERTO
Student
MARIE CHRISTEL ANDRADE
Student
ALEXANDER ARAMAN
Student
STEPHEN ASTRONOMO
Student
NARZEUS LEO BALBOA
Student
RYZA BANAAG
Student
JENENA BASCAO
Student
MARIAN BINGGOY
Student
JUANA MAY BOFILL
Student
ANGELICA FAITH CAMBAL
Student
KEIRSTINE FAITH CARINGAL
Student
SEAN ARIEL COMPLETO
Student
DAHNICO DANTES
Student
CARL GABRIELLE DE JESUS
Student
PATRICIA DIANE DE SAGUN
Student
MA. MONICA ECO
Student
LEILA EUSEBIO
Student
JOHN RICH GALVEZ
Student
CINDY GENERAN
Student
GENEVIEVE GERANCE
Student
ALLYSA MAE GRIMALDO
Student
CRISTINA IRLANDEZ
Student
CHELSY AZALIE LABAYUG
Student
JOHN BENEDICT LOPEZ
Student
MIKEY MARIANO
Student
ABBEY KATHE MELGAR
Student
AIZYLYN JANE NATAÑO
Student
NATHANIEL PAMING
Student
John Javies Paulino
Student
CHENHELILOU RAMOS
Student
YURI RAMOS
Student
REGINE RIGOR
Student
GIEZEL LAIME ROSE
Student
QUENIE SALE
Student
DANIELA JANE MARIE SAMUS
Student
CARLA SANTOS
Student
WAREL SEBANES JR
Student
ROD MARK SIMBAJON
Student
JUHAIRA SINANGAN
Student
TRENA TRESVALLES
Student
PAULINE TUBO
Student
ERT PEL IVHON TUGADE
Student
MARK JAY-PEE VERDERA
Student