Ang Diskurso ay isang kursong may tatlong yunit na nakatuon sa pagkilatis sa pangkalahatang konsepto ng kumbersasyon sa lahat ng modaliti at konteksto. Ang diskurso ang isa sa pinakamahalagang konsepto ng bmakabagong kaisipan sa malawak na disiplina ng humanidades at agham panlipunan. Sa ganitong punto, pangunahin nakatutok ang kursong ito sa kung paanong ang wika ay gumagana o nagagamit sa ating pakikipag-ugnayan sa bawat isa at sa daigdig, na lumilikha at humuhubog sa politikal at kultural na pagbalangkas sa ating lipunan (Hyland at Paltridge, 2011).
Sa kursong ito, hindi lamang itatrato ang wika bilang isang object o bagay na marapat pag-aralan sa lente ng lingguwistika, sa halip ay bubusisiin ang kontekstong nilulugaran nito sa mga penomenong umiiral sa lipunan tulad ng mga isyu ng uri, lahi, etnisidad, kasarian, at relasyong kapangyarihan. Inihahanda nito ang mga mag-aaral sa pagtatamo ng kritikal na paningin sa pamamagitan ng pagsusuri sa iba’t ibang texto, pasalita at pasulat, gamit ang mga lapit sa diskurso. Ang matatamong kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral ay makatutulong sa kanilang tinatahak na larang tungo sa paglikha ng mga pananaliksik sa Filipinolohiya