FILI 103 Wika, Lipunan at Kultura
BAF 1-2

Sumasaklaw ang kurso sa malalim na pag-aaral sa pagkakaugnayan ng wika, lipunan at 
kultura. Bibigyang pansin dito ang naging ebolusyon ng wika at kung paano ito nagagamit 
ng tao tungo sa pagsulong ng isang lipunan at pag-unlad ng kultura. Matamang susuriin 
sa kursong ito ang mga kaganapanang panlipunan na nagluluwal ng mga pagbabago 
hindi lamang sa tao bilang isang indibidwal kundi maging sa wika bilang instrumento ng 
pagpapahayag at pagkakaunawaan. Lilinang ang kursong ito ng mga kasanayan sa 
pagsusuri sa mga pangyayaring may direktang kinalaman o epekto sa wika at kultura na 
nabubuo sa lipunan upang matalinong makapagpahayag ang mga estudyante ng 
kanilang saloobin

GE 35 Panitikang Filipino__2nd Sem 2024-25_ABF 1-2
BAF 1-2

Ang Panitikang Filipino bilang isang kursong Filipino sa Kolehiyo ay nakatuon sa pag-aaral ng mga akdang Pampanitikang sumasalamin sa pamumuhay, kultura, lipunan, pamahalaan at maging ng kasaysayan ng sambayanan/liping Pilipino.

            Gamit ang Wikang Filipino bilang wika ng pagkatuto; nakatuon ang kurso sa pag-aaral ng pasalita at pasulat na tradisyon ng ating panitikan. Babagtasin nito ang mga yugto ng panitikan sa iba’t ibang panahon na may espesyal na tuon sa pag-aaral ng mga akdang pampanitikang nakalapat at nakaugnay sa mga kasanayan ng iba’t ibang larang at disiplina.

            Tangan ng kursong ito ang mga sumusunod, una; pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at pagkilatis ng iba’t ibang akda ng mga Pilipinong manunulat sa wikang Filipino, banyagang wika at Bernakular na magiging salalayan sa pagsusulong ng kaisipang Filipinolohiya. Pangalawa; ang pagbasa sa mga kontemporaryong mga akdang pampanitikan na tangan ang malaya at progresibong kaisipan; pangatlo; ang pag-aaral ng Panitikang Filipino bilang lente sa ating kasaysayan na may maka-Pilipinong pananaw. At pang-apat; ang pagkakaroon ng produksyon at presentasyon ng mga artikulong hinggil sa mga panunuri ng mga akdang pampanitikan.