Pamagat ng Kurso : Panitikang Filipino
Kowd ng Kurso : GEED 10113/GE033
Bílang ng Yunit : 3 yunit
Prerekwisit : Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran
Deskripsiyon ng Kurso :Ang Pagsasalin sa Kontekstong Filipino ay kursong Filipino sa kolehiyo na tatalakay sa halaga at tunguhin ng pagsasalin at ng Wikang Filipino na nakasalig sa mga wikang katutubo. Pauunlarin ang kasanayan at kaalaman sa pagsasalin ng mga mag-aaral na ginagabayan ng pananaliksik (saliksik-salin). Susuriin at isasalin ang mga tekstong pampanitikan at teknikal mula sa mga tiyak na disiplina/materyal ng ibang ibang bayan at mga rehiyunal na materyal patungong kamalayang bayan (multibersa) na tumutugon sa kalagayan at pangangailangan ng Industriya ng bansa. Matasa at matipon ang mga korpus na gawa na at gagawin pa mula sa tiyak na larang at/sa pamamagitan ng dokumentasyon at pakikisangkot/halubilo tungo sa pagbubuo ng mga materyal na nakasalig sa karanasan, kaalaman at ng karunungan ng sambayan tungo sa intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino.
Bílang ng oras: 3 oras bawat linggo sa loob ng 18 linggo o 54 oras sa isang semestre
Ang Panitikang Filipino bilang isang kursong Filipino sa Kolehiyo ay nakatuon sa pag-aaral ng mga akdang Pampanitikang sumasalamin sa pamumuhay, kultura, lipunan, pamahalaan at maging ng kasaysayan ng sambayanan/liping Pilipino.Gamit ang Wikang Filipino bilang wika ng pagkatuto; nakatuon ang kurso sa pag-aaral ng pasalita at pasulat na tradisyon ng ating panitikan. Babagtasin nito ang mga yugto ng panitikan sa iba’t ibang panahon na may espesyal na tuon sa pag-aaral ng mga akdang pampanitikang nakalapat at nakaugnay sa mga kasanayan ng iba’t ibang larang at disiplina. Tangan ng kursong ito ang mga sumusunod, una; pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at pagkilatis ng iba’t ibang akda ng mga Pilipinong manunulat sa wikang Filipino, banyagang wika at Bernakular na magiging salalayan sa pagsusulong ng kaisipang Filipinolohiya. Pangalawa; ang pagbasa sa mga kontemporaryong mga akdang pampanitikan na tangan ang malaya at progresibong kaisipan; pangatlo; ang pag-aaral ng Panitikang Filipino bilang lente sa ating kasaysayan na may maka-Pilipinong pananaw. At pang-apat; ang pagkakaroon ng produksyon at presentasyon ng mga artikulong hinggil sa mga panunuri ng mga akdang pampanitikan.