Mga Akdang Salin at Araling Pampagsasalin sa Pilipinas
Ph.D. in Filipino

Nakatutok ang kursong ito sa sumisiglang larang ng pagsasalin at ang interdisiplinaryong pag-aaral nito. Tatalakayin ang ilang pangunahing teorya sa pagsasalin, pag-unlad ng pagsasalin at araling pampagsasalin sa Pilipinas, mahahalagang usapin sa araling pampagssalin, at ang mga adyenda at programa para mapayaman ang pagsasalin at sumulong pa ang pag-aaral nito sa bansa. Upang mahasa ang mga kasanayan sa kritisismong pampanitikan, magbabasa ang mga estudyante ng iba’t ibang akdang salin na kanila ring susuriin. Kahingian sa kurso ang isang papel pananaliksik.